8 makikipagibing patay, 50 sugatan sa pagbaligtad ng trak sa Cebu

WALO ang patay, habang may 50 naman ang nasaktan nang tumaob ang kanilang sinasakyang trak sa  Barangay Balao, Barili, Cebu, kaninang umaga.

Ayon kay Police Officer Romulo Flores ng Barili Police Station, hindi pa nila maibigay sa media ang kumpletong detalye hinggil sa pangyayari at maging ang pagkakakilanlan ng mga biktima dahil nawalay ang mga gamit nito sa kanilang mga katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Flores na nawalan ng preno at nagpagulong-gulong ang naturang dump truck na puno ng mga makikipaglibing.

Dead-on-the-spot ang pito sa mga pasahero nang madaganan sila ng mismong dump truck habang umaabot naman sa 50 ang nasugatan na pawang isinugod na sa ospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply