80-anyos na judge pinatay ng 7 kasambahay

UMAMIN ang pitong kasambahay sa pagpatay sa kanilang amo na isang retiradong judge sa Dagupan City dahil sa hindi magandang trato  sa kanila.

Ito ang ibinulgar ni Director Samuel Pagdilao, hepe ng Criminal Investigation and Detection group, matapos mangumpisal ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa 80-anyos na babaeng hukom na nakilalang si Corazon Merrera, residente ng 2140 Trinidad Subdivision, Arellano Bani, Dagupan City.

Bunsod ng impormasyon ay nadakip na lahat ang mga suspek na kinilalang sina Genny Romano,22, Christian Benedict Lagatao, 20, John-John Basa alias Romelie, 22, Jeriel Cadelina, 21, Felipe Quillope, 47, Jacob Mendiola, 19, at Micahel de Guzman .

Ayon kay Pagdilao, natagpuan ang biktimang si Merrera na wala ng buhay ng kanyang 49-anyos na anak na si Roberto dakong 7:45 ng umaga sa loob ng kanyang bahay at tadtad ng saksak.

Napuno na umano ang mga kasambahay ng biktima sa pagmamaltrato ni Merrera at sa napakaliit na pasahod sa kanila at kakulangan sa probisyon. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply