80 contingents sa ‘Pasigarbo sa Sugbo’ tinamaan ng diarrhea

TINAMAAN ng diarrhea ang may 80 contingents sa gitna ng kompetisiyon ng ‘Pasigarbo sa Sugbo’ dance festival para sa ika-442 taong anibersaryo sa Cebu.

Inaalam pa ng Regional Epidemiological and Surveillance Unit (RESU)-7 ang dahilan ng pagkakaroon ng diarrhea ng mga ito kung saan mahigit sa 80 ang pasyenteng nagpositibo sa diarrhea na pawang mga contindent ng Toledo City.

Nabatid na bigla na lang nakaranas ng pananakit ng tiyan ang mga kalahok at nagtatae.

Dahil dito, iniimbestigahan na ng Provincial Health Office ang naturang insidente para tukuyin ang mga inihandang pagkain sa mga contingents at ang tubig na kanilang ininom na posibleng dahilan ng pagkakasakit ng mga ito.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply