80 kahon ng isda sa dynamite fishing nakumpiska

NASABAT ng awtoridad ang 80 kahon ng isda na hihnihinalang nagmula sa dynamite fishing sa Cebu.

Ang 80 kahon ng isda ay nakumpiska ng Cebu Provincial Anti-illegal Fishing Task Force na hinihinalang hinuli sa paggamit ng dinamita.

Ayon sa task force, nakatanggap sila tip tungkol sa mahigit 3,600 kilo ng mga isda mula sa dalawang coastal barangay sa bayan ng Medellin, Cebu.

Dadalhin sana sa lungsod ng Cebu ang mga kahon-kahon ng isda nang maharang ito ng task force operatives.

Kaugnay nito, muling nagbabala si Cebu Governor Gwen Garcia na seseryosohin ng probinsya ang paghabol sa mga nasa likod ng iligal na pangingisda sa karagatang saklaw ng probinsiya.

Kamakailan lamang ay naaresto ang dalawang mangingisadang nahulihan ng mga dinamita habang nangingisda sa karagatang sakop ng Subic, Zambales.

Kinilala ni Insp. Alfredo Simbol ang mga suspek na sina Jake Hernandez at Reynaldo Captalan.

Bukod sa mga dinamita, nakuha rin sa mga suspek ang 200 kilo ng isdang hinihinalang nahuli sa pamamagitan ng dinamita at ang bangkang kanilang ginagamit.

Ayon sa ulat, ilang residente ang nag-report sa Bantay Dagat ukol sa aktibidad ng mga suspek kaya naaresto ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply