80 pamilya sa Iloilo inilikas dahil sa flash flood

INILIKAS ang mahigit sa 80 pamilya sa dalawang barangay sa Mandurriao, Iloilo City dahil sa flash flood na naganap Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng madaling araw, Agosto 5-6, bunsod ng walang humpay na pag-ulan nitong nakalipas na tatlong araw.

Nasa 35 pamilya ang inilikas mula sa Barangay Sooc, Arevalo habang 59 pamilya ang mula sa Barangay Calaunan.

Ayon sa mga biktima, pinasok ng tubig ang kanilang mga bahay makaraang umapaw ang tubig sa creek na nagsimula pa kahapon.

Binaha rin ang ilang barangay sa Jaro District matapos na umapaw ang Jaro River.

Ang baradong drainage ang sinisisi ng mga residente sa nangyaring pagbaha.

Samantala, sa mga oras na ito ay unti-unti nang bumababa ang tubig-baha at inaasahang magbabalikan na ang mga lumikas sa kani-kanilang tirahan.

Nagpadala na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga naapektuhang residente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply