86 Pinoy handa na sa paglikas ng Libya

NAKAHANDA ng ilikas ang 86 na Filipino sa Tripoli Libya, ito ang kinumprima ng Department of Foreign Affairs, ngayon (Lunes, Agosto 22) matapos na ilagay ang Libya sa alert level 4 dahil sa nagpapatuloy at lumalalang kaguluhan doon.

Sa nasabing alerto ay pwersahan ng pinalilikas ng gobyerno ng ang mga Pinoy doon dahil sa banta sa kanilang buhay.

Ayon sa DFA, nakahanap at nakakontrata na sila ng charetered ship na gagamitin sa paglilikas ng mga Pinoy doon kung saan patuloy na nagaganap ang mga kagauluhan.

Nakipag-ugnayan na rin ang mga tauhan ng DFA sa mga ospital sa Libya hinggil sa paglilikas ng mga Pinoy nurse.

Sa pinakahuling ulat, napasok na ng mga rebeldeng Libyan ang malaking bahagi ng Tripoli kabilang ang Green Square na dating pinagdarausan ng political rallies ni Libyan Leader Moamar Gadhafi.

Naianunsyo na rin ng Libyan rebel spokesman na naaresto na umano ng pwersa ng oposisyon ang dalawang anak ni Gadhafi na sina Saif Al-Islam at Saadi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply