9-anyos na nene ginahasa ni lolo

ISANG siyam-na-taong gulang na grade one pupil ang hiniling ng kapulisan at ng Department of Education na isailalim sa counseling at pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos na makumpirma ng mga kinauukulan na ito’y ginahasa ng kanyang sariling lolo sa lalawigan ng Surigao, sa ulat na nakarating sa Camp Crame Huwebes.

Base sa report na nakarataing sa Philippine National Police (PNP) Command Operation Center, kinumpirma ng mga opisyal ng Surigao City Division ng DepEd na may kasong naitala sa kanila ng panghahalay ng isang lolo sa kanyang siyam-na-taong gulang na apo.

Sa ulat ng isang Dr. Luzviminda Edillor, DepEd Coordinator, hinggil sa Gender Development na isang Grade 1 pupil ang naging biktima ng rape, lubha umano silang naalarma at naawa sa batang biktima dahil mismong lolo ng bata ang suspek.

Dahil dito, agad nilang tinugon ang kahilingan ng mga awtoridad na ibigay sa pangangalaga ng DSWD ang bata.

Kaugnay nito, ikinadismaya ni Dr. Edillor ang kawalan ng aksyon ng lola na bata sa krimen na ginawa ng kanyang asawa.

Ayon pa sa mga opisyal ng DepEd Surigao, hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa panggagahasa ang suspek dahil diumano’y noong Grade 5 pa ang kanyang anak na babae at ina ng biktima ay hinalay din ito ng suspek.

Handa naman umanong suportahan ng mga opisyal sa DepEd Surigao ang bata upang pormal na makasuhan ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply