9 patay iniwan ng hurricane Irene

ILANG oras matapos tumama ang hurricane Irene sa estado ng North Carolina, limang katao agad ang naiulat na nasawi.

Ayon sa pulisya at emergency officials, dalawa rito ay yaong mga nadaganan ng puno habang bumabiyahe sakay ng kanilang mga kotse.

Maliban sa North Carolina, tatlong katao naman ang naiulat na nasawi sa Virginia matapos ding madaganan ng mga puno dahil sa hagupit ni “Irene.”

Sa Florida naman, isang 55-anyos na lalaki ang namatay habang nagsi-surfing sa New Smyrna Beach.

Una rito, nag-shutdown na ang ilang mga paliparan, subways at negosyo sa New York dahil sa nakaambang pagtama ng hurricane Irene.

“The storm is coming,” ayon kay New York Mayor Michael Bloomberg.

Stranded naman ang maraming commuters na tutungo sana sa Boston dahil wala ng bumabiyaheng mga taxi at bus.

Maging ang port of Philadelphia ay isinara na ng Coast Guard.

Nasa isang milyong residente mula sa North Carolina, Virginia, Maryland at Delaware ang walang koryente dulot ni “Irene.”

Sa ngayon ay nasa Category 1 na lamang ang nasabing bagyo taglay ang hanging 80 miles per hour.

Samantala, tumama na rin sa New York ang hurricane Irene.

“The edge of the hurricane is finally upon us,” ani Bloomberg.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply