90 Pinoy sa Indonesia pinabalik sa Pinas

PINABALIK na sa bansa ang 90 Filipino, na karamihan ay mga mangingisda na nakulong sa Indonesia.

Batay sa pahayag ni Jovencio Agus ng Department of Foreign Affairs (DFA) Region 12, karamihan sa mga Pinoy ay nagmula sa General Santos City. Sila ay naaresto matapos na iligal na nakapasok sa teritoryo ng naturang bansa.

Ang mga pina-deport ay sakay ng chartered vessel ng gobyerno ng Pilipinas na MV Tuna Jayas.

Nabatid sa ulat na mayroon ding sakay na ilang taga-Luzon na pinauwi dahil overstaying na sa Indonesia.

Napag-alaman na marami pang nahuling mangingisda dahil sa iligal na pagpasok sa teritoryo ng Indonesia ang sa ngayon ay nagtitiis sa hindi magandang sitwasyon doon.

Ang chartered vessel ay dumating kagabi, Hulyo 31, sa Makar Wharf at isinailalim sa debriefing ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Ayon kay Agus, pito sa mga dumating ay may karamdaman at kinakailang sumailalim sa maselang gamutan.

Nagpasalamat naman ang mga mangingisda sa mga tumulong sa kanila at sa Poong Maykapal na nakauwi pa sila sa Pilipinas matapos makulong sa Indonesia ng ilang buwan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply