9,000 Napocor retirees kinupitan ng GSIS

NAGDURUSA ngayon sa kanilang katandaan ang mahigit 9,000 retirado ng National Power Corporation (Napocor) matapos “kupitin” ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang pensiyon simula nitong Abril.

Inilantad ito ni Sen. Aquilino Pimentel III kaya hiniling nito kay GSIS Chairman Daniel L. Lacson at GSIS President at General Manager Robert G. Vergara na bigyan ng liberal na interpretasyon ang batas pabor sa miyembro nito o benipisaryo.

“If, under our Labor Laws, a fair day’s pays for a pair day’s work is a long accepted doctrine, the same should equally apply to retirees who look at their retirement benefits as a financial refuge in their old age,” giit ni Pimentel.

Ayon kay Pimentel na malaki ang naitulong ng Napocor retirees sa pagpapaunlad ng electric power industry ng Pilipinas kaya dapat silang kilalanin sa serbisyong ibinigay nila.

Nagsimula ang pagpapalawak ng serbisyo ng Napocor noong 1970s na siyang simula ng pagpunta sa abroad ng maraming Filipino. Pero, nagdesisyon ang mga engineer at empleyado ng Napocor na manatili sa bansa sa pag-asang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya at lipunan.

Naisapribado ang Napocor noong nakaraang administrasyon alinsunod sa EPIRA Law, kaya nag-alok ang kompanya ng separation package upang bayaran ang kanilang nawalang trabaho na mas malaki sa kasalukuyang retirement benefits.”

Ipinatupad ang reorganisasyon ng Napocor noong 2003 kaya tinanggal at binarayan ang lahat ng empleado katumbas sa 1.5 buwan ng sahod kada taon sa serbisyo.

“For those already entitled, GSIS was responsive enough to apply the new GSIS Law (RA 8291) as their retirement scheme,” aniya.

Ngunit, sinuspinde ng GSIS ang pagbabayad ng desiyon sa Napocor retirees nitong Abril 2011 base sa hindi makatuwirang dahilan na siyang nag-abandona sa obligasyon ng GSIS na magbayad ng benepisyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply