9000 puno itatanim vs baha, lanslides

SINIMULAN kahapon ng mga opisyal at empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtatanim ng 9,000 narra seedlings sa kalbong bundok ng Mount Samat, Bagac, Bataan para maiwasan ang mga trahedya dahil sa baha at landslides

Ayon kay Environment Secretary Ramon J. P. Paje, palagi na lamang huli ang reaksyon ng gobyerno sa mga pagbaha at landslide kaya napapanahon na upang unahan ang mga sakuna.

Aniya, susunod ang DENR sa Executive Order No. 26 para sa pagpapatupad ng National Greening Program, kung saan pipilitin nilang maitanim sa loob ng isang taon ang isang bilyong puno sa mga nakakalbong bahagi ng bansa.

Matatandaang nagtanim na rin sila ng 2,000 nara at kupang sa Ipo watershed sa Barangay San Mateo, Norzagaray, Bulacan.

Sisikapin umano nilang mabuhay lahat ng mga punong itinanim nila upang hindi na maulit ang mga landslides at pagbahang naganap noong mga nagdaang taon.

Nanawagan si Paje sa mga estudiyante at mga NGOs na tumulong at makibahagi sa pagtatanim ng puno.

Aniya, kung maraming magtatanim ay mas mapapabilis ang pagtatanim at mas mapapabilis din ang pag-iwas sa disgrasya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply