91 Pinoy mula sa Libya patungo na ng Egypt

BUMIBIYAHE na patungong Egypt ang 91 overseas Filipino workers (OFWs) na naakalabas  ng Libya.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang 91 na mga Pilipino ay kasamang sumakay sa barkong inupahan ng International Organization for Migration (IOM) na bumiyahe paalis ng Libya.

Patungo ang barko sa Alexandria, Egypt at sasalubungin ang mga Pinoy ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Cairo na syang mag-aayos ng mga dokumento ng mg Pinoy pabalik ng bansa.

Kahapon, Agosto 25, dumating 12 OFWs mula sa Syria at karamihan sa mga ito ay mga walang dokumento nang pumasok sa naturang bansa.

Agad na dinala sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga OFWs upang mabigyan ng tulong pamahalaan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply