95% ng biyahe sa Bicol posibleng maparalisa

MALAMANG na mapaparalisa ng 95 porsyento ang biyahe sa buong Bicol Region bukas, August 31, dahil sa ilulunsad na tigil-pasada ng ilang transport group.

Kaugnay nito, ikakasa na ang malawakang tigil pasada ng mga jeepney organizations sa Bicol area dahil ipinoprotesta nila ang walang humpay na pagtataas sa presyo ng langis.

Sinabi ni Tessa Lopez, spokesperson ng Bayan Bicol na kakalampagin nila ang gobyernong Aquino para sa iginigiit nilang pagpapatupad ng bigtime rollback.

Bukod dito, binigyang diin ni Lopez na isusulong din nila ang pag-alis sa 12% vat sa mga produktong petrolyo at pagbasura sa Oil Deregulation Law.

Ayon pa kay Lopez, layunin umano nito na aksyunan ang kanilang kahilingan na bigtime rollback dahil sa P9 na ang overpricing ng mga kompaniya ng petrolyo kasama ang Petron, Caltex at Shell.

Sinabi pa nito, kapag magtataas ng presyo ang mga dambuhalang kompanya ng  langis, palaging mabilis ang proseso at laging mataas ang halaga ngunit kapag magro-rollback palaging makupad at napakaliit.

Iginiit naman ni George San Mateo, secretary general ng Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) na monopolyo na naman ang panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay San Mateo, halatang nagsabwatan na naman ang mga oil company para magpatupad ng sobrang taas ng presyo dahil bumaba ang presyo ng petroleum products sa pandaigdigang merkado.

Iginiit nitong imposibleng tataas ang presyo ng langis sa panahong lugmok ngayon ekonomiya ng amerika at mababa ang demand ng langis.

Muling kinondena ni San Mateo ang gobyerno dahil sa kawalan ng aksyon para mabuwag ang Oil Deregulation Law. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply