Abroad treatment ni GMA ipinaubaya sa DoJ

IPINAUUBAYA na ng Malacañang sa Department of Justice (DoJ) ang usapin hinggil sa posibleng pagpapagamot sa labas ng bansa ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte, mas nakakaalam umano ang DoJ kung ano ang nararapat na tugon sa nasabing sitwasyon, lalo’t ang justice department umano ang nagpalabas ng watch list order laban sa former president.

Kasabay nito, nilinaw naman ni Valte na sa kasalukuyan ay wala pang official medical advisory ang mga doktor ni Arroyo sa St. Luke’s Medical Center hinggil sa posibleng pagpapagamot nito sa labas ng bansa.

Una nga rito, pinalutang ni Atty. Raul Lambino na dahil umano sa maselang kondisyon ng dating pangulo ay mas makakabuting sa abroad gagawin ang gamutan.

Sa panig ng Malacañang, muli namang inihayag ni Valte na umaasa din umano sila para sa agarang paggaling ng dating pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply