‘Abusadong oil companies ipako sa krus’– militanteng grupo

“IPAKO sa krus,” ito ang sigaw ng mga militanteng miyembro ng grupong Anak Pawis sa kanilang kilos-protesta sa tapat ng isang gasolinahan sa Kalayaan Avenue, Quezon City Lunes, Agosto 30.

Pinaaga lamang ng Anak Pawis ang itinakdang malawakang kilos protesta bukas para kondenahin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Hindi pa man nailulunsad ang tigil pasad tila isang hamon sa transport group ang panibagong oil price hike ng mga kumpanya ng langis.

Epektibo kaninang alas-dose-uno ng hatinggabi itinaas ng Pilipinas Shell sa 35 sentimo ang presyo ng kada litro ng unleaded gasoline, 50
sentimo sa regular gasoline at 15 sentimo sa kerosene.

Samantala, kaninang alas-sais ng umaga naman ikinasa ng Chevron Philippines ang kaparehong dagdag presyo sa kanilang oil products.

Muling idinahilan ng dambuhalang oil companies ang panibagong bugso ng oil price hike ay dahil sa pagtaas muli ng presyo ng krudo sa World Market.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply