Acosta, bagong pres’l adviser on environment

ITINALAGA ngayon ni Pangulong Noynoy Aquino si dating Bukidnon Rep. Nereus Acosta bilang Presidential Adviser on Environmental Protection.

Mismong si Executive Sec. Jojo Ochoa ang nagkumpirma sa nasabing appointment ni Acosta.

Ang nasabing posisyon ay cabinet rank o katumbas ng ranggo ni Environment Secretary Ramon Paje.

Magugunitang matagal nang pinalulutang si Acosta bilang environment secretary, bagay na tinanggihan ni Pangulong Noynoy Aquino at pinanatili si Paje.

Kung maaalala si Acosta ay natalo sa senatorial elections noong May 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply