Acquittal ng ‘Alabang Boys’ pinaiimbestigahan sa Kamara

HINILING ni Rep. Winston “Winnie” Castelo, vice chairman ng House committee on dangerous drugs ang pagsasagawa ng pinal, mas malawak at kompletong  imbestigasyon sa pagtukoy sa kaganapan kung bakit nagkaroon ng desisyong pag-abswelto ng  Muntinlupa Regional Trial Court sa mga akusadong sina Jorge Joseph at Richard Brodett na tinaguriang  “Alabang boys” dahil sa  teknikalidad.

“Offhand, the congressional probe shall be able to summon all those directly concerned on the buy-bust-operation and that may have to exclude or exempt the appearance of the former PDEA chief unless vital information so warrants.  Each will be placed under oath at risk that they will be held in contempt if they even tend to lie before the committee.  In short, all the committee needs to know is on whether it can slap them with all administrative or criminal charges for any apparent abuse of authority,” ipinunto ni  Castelo .

Nais ng mambabatas na tugunan  ang  pangangailangang lutasin ang  problema  sa  matagal na  pag-iingat  ng mga  ebidensya na  siyang maging dahilan din sa kalaunan ng problema sa teknikalidad.

Ipinunto rin ng solon na iprofessionalize  ang  PDEA at gawing moderno ang  ang teknikal na kakayahan  magpreserba  ng  mga  hawak na  ebidensya.

Naniniwala ang  mambabatas ng pagkakaroon ng  pagkukulang   sa panig  ng  PDEA dahil  sa kakulangan na rin ng  disiplina  at kakayahan   sa seryosong pagpapatupad ng Section 21 ng Comprehensive Drugs Act of 2002.

Dapat ding masanay ang PDEA sa wastong maglalatag ng mga ebidensya laban sa akusado at matiyak na ang lahat lahat ng ebidensya ay isinailaim sa tamang proseso at makumpelto ang mga analysis sa laboratoryo ng isang resident chemist ng nasabing ahensya.

“We have a big lesson learned here that should not be repeated anymore.  We should undertake to have our local drug enforcement authorities train in the best centers in the world.  We should import the tools, machines, equipment or facilities to modernize our technical procedures in preserving evidence.  Maybe the very legal infrastructure toward this goal is very weak.  Hence, all these aspects must be improved,” ani Castelo. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply