Action plan laban sa drug issues na isusumite ni De Lima kay PNoy

BUKOD sa paghimok sa Kamara na palakasin ang mga batas laban sa illegal drugs, magsusumite ng proposal si Justice Sec. Leila de Lima kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para bumuo ng action plan kontra sa lumalalang antas ng droga sa Pilipinas.

Ayon kay De Lima, target niyang maisumite ang memorandum sa susunod na linggo.

Aminado kasi ang kalihim na marami silang natutunan sa kinahinatnan ng Alabang Boys case, kung saan napunta lamang sa basurahan ang matagal na pagsisikap ng prosekusyon dahil sa isyu ng teknikalidad.

Matatandaang sa hatol ng Muntinlupa RTC, pinawalang-sala sina Jorge Joseph at Richard Brodett na nahuli noong 2008 dahil sa pagbebenta umano ng mamahaling uri ng droga.

Pero ngayon pa lang ay positibo na umano ang tugon dito ng Pangulo.

Katunayan, inatasan ng Punong Ehekutibo ang DoJ chief na makipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno na makakatulong sa usaping ito, tulad na lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply