Actress isinakripisyo ang career sa bading na mister

NAKAKA-SAD naman ang sinapit ng married life ng maganda at mahusay na actress. Imagine! Talagang sinakripisyo nito noon ang kanyang very blooming career para lang personal na matutukan ang pinakasalang non-showbiz businessman. Pero talaga nga yatang malas sa pag-ibig si actress dahil sa wala rin napunta ang relasyon nilang asawa.

Hindi ba’t ‘yung dyowa noon ni sikat na actress na action star malapit na sana siyang ikasal dito, but all of a sudden, bigla na lang nawala sa piling niya ang said actor.

Dito naman sa kanyang pinakasalang papa, hindi ma-take ni actress nang maugnay ito sa kapuwa lalaki. At ang nakalulukring pa ay ‘nagwawala’ raw ang dating mister kapag nalalasing kung saan nakikipaglampungan ito sa mga kabarkadang guys.

Pero ngayong matagal na silang hiwalay, natatawa na lang daw si actress sa tuwing naaalala niya ang kalandian ng kanyang ex-husband na matangkad at guwapo pa naman. Ngayon ay nagko-concentrate na uli ang bidang actress sa kanyang acting career kung saan may movie siyang malapit nang ipalabas. At dahil naka-moved on na ay may bago na rin daw itong boyfriend. Dapat lang, gyud!

***

Pamilyang Pinoy Henyo sa Eat Bulaga click na click sa televiewers

DAHIL nag-click ang “Pinoy Henyo” ng Eat Bulaga sa mga pamilyang naglaro rito ay tinutuluy-tuloy na ng nasabing number one and longest-running noontime variety show ang hit na hit na portion nilang ito hindi lang sa Pilipinas maging sa iba’t ibang bansa.

Everyday ay naglalaban-laban ang tatlong pamilya kung saan sa bawat family ay may tig-dalawa silang representante, at kung sino ang mga napabilang sa top 3 ay sila ang maglalaban-laban sa semi-finals at puwede silang makapag-uwi ng hanggang 70,000 cash ang dalawang tatanghaling winner sa jackpot round.

Sa Grand Finals naman, fabulous ang prizes na ipamimigay tulad ng Home Entertainment Showcase worth 100,000 na kinabibilangan ng LCD TV, component, DVD player reclining chair, etc. at plus tumataginting na 300,000 cash. Aba! saan pa kayo makakikita ng programang namimigay ng ganito kabonggang papremyo? Sa Eat Bulaga lang ‘yan.

Ang saya talagang panoorin ng bawat miyembro ng pamilya na magnanay, magkapatid, magpinsan na pabilisan sa pagsagot sa mga pinahuhulaang bagay at kategorya. Walang televiewer ng Bulaga na hindi naki-carried away sa Pinoy Henyo na talagang makikisigaw ka nang pagsagot sa portion na ito ng 32 years na sa ereng programa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply