AFP: Hindi terorismo ang car bombing sa Tacurong City

MALAKI ang paniniwala ng pamunuan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu ang target ng car bombing sa Tacurong City.

Sinabi ni Col. Leo Cresente Ferrer, brigade commander ng 601st Infantry (Unifier) Brigade ng AFP, hindi kagagawan ng terorista ang naturang pambobomba kundi personal umano ang motibo ng mga suspek
laban kay Mangudadatu.

Ayon kay Ferrer, gawa umano sa bala ng howitzer cannon ang sumabog na Improvised Explosive Devised (IED) na iniwan sa Kia Pride na may plate number MDG-274 na target ang convoy ni Mangudadatu.

Dagdag pa ni Ferrer, nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa naturang pambobomba kasama ang Philippine National Police (PNP) at binuo na ang isang task force. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply