Aga Muhlach balak pumasok sa pulitika?

MAY balak pala itong si Aga Muhlach na pumasok sa pulitika. Ang balita, tatakbong vice mayor ng Muntinlupa si Aga. How True, Manay Ethel? Baka matulad lamang siya kina Cesar Montano at Richard Gomez  na matalo sa pulitika. Mag-isip-isip muna bago pumasok sa magulong mundong ito. Ayon sa aming spy, kinukuha raw si ni Mayor San Pedro para maging vice mayor niya ang mister ni Charlene Gonzales.

&&&

Araw-araw, mapanonood sa Eat Bulaga ng GMA-7 ang patok na portion nilang Juan For All, All for Juan, sugod bahay na hatid sa inyo ng Coke, Puregold, Vaseline, Hanabishi at Tiger Biscuit. Sa rami ng sponsors, maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng number noontime show dahil katakut-takot na pera ang pinamimigay sa mga kababayan natin. Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7.

&&&

Karamihan pala ng Viva hotbabes sa ngayon kung saan-saang club na lang nagso-show tulad na lamang nina JC Parker at Gwen Garci madalas mag–show sa Angeles, Pampanga sa mga club diyan. Wala na kasi silang proyekto sa Viva Films dahil wala rin namang ginagawang pelikula ang nasabing movie outfit. Pero kahit papano, dala–dala nila ang pangalan ng nasabing kumpanya which is nakakasira dahil sa mga cheap club na lamang sila nagsu-show. Pero ang nakakahiya nito, si JC ang taba-taba nagsusuot pa ng sexy na damit. Kaya nang mag-show siya sa isang bar sa Caloocan ay pinapahiya siya ng mga customer dahil sa hitsura ng kanyang katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply