Agrikultura sisigla sa IRR ng Agri-Agra law

MAGKAKAROON ng panibagong sigla ang sektor ng agrikultura matapos maipalabas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Agricutlure-Agrarian Law, ayon kay Sen. Loren Legarda.

“Asahan natin na magkakaroon ng mas masiglang produksiyon sa kanayunanan sa pagpapalabas ng IRR ng Agri-Agra Law,” wika ni Legarda.

Anang senadora, walang ibang layunin ang batas kundi pasiglahin ang sektor ng agrikultura at maitaguyod ang kabuhayan ng benipisaryo ng repormang agraryo.

“I urge farmers, fisherfolks, cooperatives and other agriculture stakeholders to avail of the benefits of this law so that agricultural productivity in the country will be further enhanced,” ani Legarda.

Ginawa ang IRR ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform sa pakikipagkonsultasyon sa industriya ng pagbabangko, na magkakaroon ng epekto sa loob ng 15 araw sa pagkakalathala.

Base sa IRR, inaatasan ang lahat ng bangko na maglaan ng 25 porsiyento ng kanilang loanable funds sa sektor ng agrikultura upang pondohan ang pagbili ng hayop, kagamitan sa bukid o makinarya, punla, pataba at katulad na bagay sa produksiyon sa bukirin.

Sa 25 porsiyento ng pondo, kailangan ilaan ang 10 porsiyento nito sa benipisaryo ng repormang agraryo at 15 porsiyento sa sektor ng agrikultura.

Nilagdaan ng nakaraang administrasyon ang naturang batas na nag-aamyenda sa Presidential Decree 717 na ipinalabas ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Mayo 29, 1975.

Sa ilalim ng bagong batas at IRR, maaari din na magbigay ng loan extension para sa konstruksiyon at pagpapaunlad ng impraestruktura kabilang ang farm-to-market road at post-harvest facilities, at warehouses/miller/wholesaler na akredito ng National Food Authority.

“It also imposes stricter penalty for non-compliance. A bank that fails to comply with the law will have to pay a penalty equivalent to 0.5% of its non-compliance or under-compliance,” paliwanag ng senador.

“Productivity in the countryside can be expected with this new window of opportunity for our farmers. The Agri-Agra Law will secure a constant harvest and will abate our having to import rice, vegetables and other produce from other countries,” patapos ni Legarda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply