Aiko na-shock na sa minsang paglabas ay intriga ang masasalabat

SANGKOT ang mahusay na aktres na si Aiko Melendez sa insidenteng pagmumura ng best-friend niya na si Candy Pangilinan kay IC Mendoza sa isang bar kamakailan. Si Aiko kasi ang kasama ni Candy that time kaya nakita niya ang buong pangyayari.

But much as Aiko would like to say something about the incident, mas pinili niya na huwag na lang magbigay ng pahayag. Feeling niya naiipit din siya dahil pareho niyang kaibigan sina Candy at IC. At total naman daw nakatakda nang magsalita si Candy and explain everything sa exclusive interview niya kay Boy Abunda sa “The Buzz” bukas, Sunday. Kaya tutukan ang The Buzz.

“Nakaka-ano nga, e, kasi hindi naman ako pala-labas na tao. In fact, nu’ng birthday ni Candy nasa bahay lang niya kami nag-celebrate. Nagkataon naman na kung kailan lang ako lumabas kasama ang best-friend ko may nangyaring ganu’n,” sabi ni Aiko nu’ng makausap namin siya sa set ng “Reputasyon” last Thursday.

Sobrang maligaya naman si Aiko and the rest of the staff and crew ng soap na ang ganda-ganda ng feedback sa pang-hapong teleserye nila ng magkasintahan in real-life na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz plus Jason Abalos, Laurice Guillen, Lito Pimentel, Jaclyn Jose, RR Enriquez at marami pang iba.

Sa ganda ng pagtanggap ng viewers sa kanilang soap, okey na rin daw na inilagay ang teleserye nila tuwing  hapon araw-araw after “Happy, Yipee, Yehey!”

“Actually, sinabi na namin na nu’ng una parang nakapaninibago. Kasi, ang mindset namin is for pang-primetime. Pero in-explain naman sa amin ng mga bosses namin na kami ang frontliner ng Kapamilya Gold, mas kinabahan kami kasi pressure ’yun, e,. para ilagay ka sa afternoon drama. Ibig sabihin malaking tiwala sa amin kaya nagpasalamat na ako,” esplika ni Aiko.

***

THANKFUL din ang bagong kalabtim ni Kathryn Bernardo na si Enrique Gil sa latest movie offering ng Star Cinema na “Way Back Home” na siya ang napili na maging bagong partner on screen ng dating Mara Clara star. Originally kasi si Albie Casino ang kapareha sana ni Kathryn for this movie.

“Nagpapasalamat ako na nangyari ‘yon. Actually, nagpapasalamat ako sa Star Cinema dahil ako ang naging choice nila, ‘yong pumalit kay Albie,” lahad ni Enrique.

Bagaman nilinaw ni Enrique na hindi siya nagpapasalamat dahil natanggal sa project si Albie. “Hindi ako nagpapasalamat na may nangyaring hindi ko alam or hindi siya natuloy, na ako ‘yong pumalit. I’m just thankful sa fact na ako ‘yong pinalit na gumawa nitong movie,” sabi pa ni Enrique sa presscon ng movie na ipapalabas on August 17 sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply