Air Force vs Phil. Army sa Shakeys’ V-League

PUNTIRYA ng Phil. Army volleybelles na maipuwersa ang three-way leadership sa Shakeys’ V-League open conference laban sa Phil. Air Force ngayong gabi, Huwebes, sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Ang bumabanderang tatlong koponan sa seven team composition ay ang Ateneo Lady Eagles (2-0), Phil. Army (1-0) at ang San Sebastian Lady Stags (1-0).

Makahaharap ng Lady Stags sa triple game ngayong gabi ang Phil. Navy (0-1) habang ang baguhang Maynilad Water Dragons (0-1) ay sisikaping makapasok sa win column laban sa katulad na naghahanap din ng unang panalong Perpetual Help Altas sa huling laro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply