Airwomen lagapak sa Lady Stags

NAMAYANI ang San Sebastian College-Recoletos Lady Stags laban sa Air Force Airwomen sa pagsisimula sa quarterfinal round na Shakey’s V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan City, Martes ng hapon.

Sa sigasig ng mga import na sina American Lauren Ford at Thai Jeng Bualee na naghati sa 26 kills ay naitala na spikers ni Stags coach Roger Gorayed ang 25-19, 25-15, 25-15 sa 64-minutong paluan.

Ang local players na sina Jill Gustilo, Joy Benito, Janet Dorinas at Rubie de Leon ay magkakasamang nagtala ng 26 hits kabilang dito ang 7 puntos sa serves nina Benito at Gustilo.

Nairehistro ng Navy Sailors ang derechong 25-15, 25-23, 25-16 panalo laban sa Maynilad Water Dragons para makabuwelta sa 1-1 win-loss card para sa pangalawang panalo ng una sa huli.

Ang Lady Eagles at ang Army Lady Troopers ang maghaharap na susundan ng banggaan ng Lady Sailors at Lady Stags sa laro sa Huwebes ng hapon sa The Arena sa pagtataguyod ng Shakey’s Pizza, Accel, Mikasa at Maynilad Water.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply