Akihiro Sato tumanggap na ng ibang show sa kabilang network dahil tapos na ang kontrata sa GMA 7

MAY sisimulan na palang travel show si Akihiro Sato sa ibang network pagkatapos na mag-expire ang contract niya sa GMA 7 noong pang July 31. Ibig sabihin ay freelancer na ngayon si Akihiro at libre na siyang tumanggap ng assignments sa ibang network.

Kaya ang una niyang natanguang programa ay ang isang travel show na produced ng kabilang network. Pero kung papipiliin si Akihiro, gusto pa rin niyang maging bahagi ng Kapuso Network. Dito kasi siya nagkapangalan dahil siya ang winner ng “Survivor Philippines Season 3.”

Sa ngayon ay maraming alok daw na tinatanggap si Akihiro sa ibang network. Pero pinag-aaralan pa ng Jap-Brazilian model turned-actor sa Pilipinas ang inaalok sa kanyang mga kontrata. Malay natin manatiling Kapuso pa rin si Akihiro. Love niya kasi ang Kapuso!

***

TUWANG-TUWA si Clauding Barretto sa batang kasama niya sa “Iglot” na si Milkcah Nacion na bukod na sobrang bibo sa set, sobrang lambing sa kanya. Kaya naman niregaluhan niya ang bata ng paborito nitong Barbie Doll. Matagal na kasing inaasam-asam ng bata na magkaroon ng sariling Barbie Doll. Di naman kasi siya ibinili ng kanyang parents.

Sadyang malambing kay Claudine si Milkcah, kaya ganoon na lang ang katuwaan ng actress. Bukod sa doll, binigyan din niya ang bata ng sapatos, damit at bag na magagamit sa pagpunta sa taping.

Very smooth sailing ang taping ng bagong telepantasya ng GMA 7 na si Iglot ang center character na kaibigan ni Milkcah. Tanging si Milkcah lang ang nakakakita kay Iglot.

Sa August 29 na ang premiere showing ng Iglot.

***

NAPAPALAKPAK nang husto ang mga piling press na dumalo sa grand presscon ng “Tween Academy: Class of 2012″ dahil nagkaroon ng production number ang buong cast ng movie na kinabibilangan Bea Binene, Jake Vargas, Yassi Pressman, Marc McMahon, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez, Derrick Monaterio, Louise delos Reyes, Alden Richards, Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Sam Pinto at
Elmo Magalona.

Ginawa ang presscon sa marangyang SMDC Showroom na malapit sa SM Mall Of Asia. Nagsalita rin sa press para batiin sa kanilang pagdalo ang big boss ng SM Group na si Mr Henry Sy Jr.

Sa mga kumanta, outstanding sa lahat ang boses ni Derrick Monasterio. Lumutang ang pagiging singer niya dahil mataas ang kanyang boses.

Tamang-tama ang inawit niyang “Ikaw ang Aking Pangarap.” Pinalakpakan siya nang husto ng press na dumating at mga officials ng SMDC na naroon. Hanga rin kami sa ipinakitang pag-awit nina Kristoffer Martin at Lexi Fernandez. Habang umaawit si Lexi ay nababanaag namin ang kasiyahan ng kanyang butihing ina na si Maritoni Fernandez. Sa interview kay Maritoni, nasabi niyang masaya siya na nakita niya ang pagyabong ng career ni Lexi bilang artista. Kasi, cancer survivor siya ngayon. Proud siya sa anak na di lang magaling umarte, magaling ring umawit at sumayaw. Kasama ngayon si Lexi sa bagong soap na Iglot na kapartner si Hero Magalona.

***

Mala-prom night ang presentation ng buong cast ng movie nang partner-partner silang bumaba sa itaas ng venue na naka-formal wear. Ang mga babae ay naka-gown at ang mga lalaki ay naka-coat and tie.

Bago pa ang presentation ay na-interview naming ang butihing director ng Tween Academy: Class of 2012 na si Mark Reyes. Naibalita niya sa press na wala siyang problema sa mga bagets na kasama niya sa cast. Kasi, nagkaroon siya agad ng regulation sa set na walang parents at alalay na manonood habang nagti-take siya. Ayaw niya kasi ang awayan na nagsasabi sa kani-kanilang alaga na pinapaboran sa eksena si ganito at si ganire. Gusto niya ng katahimikan sa set.

Natapos ang buong pelikula ng on time para sa showing nito sa  Aug. 24 at sa premiere night nito sa Aug.20 sa SM Megamall. Ani direk Mark: “ Malaki na kasi ang lessons ko nang TGIS noon. Hinawakan ko ng matagal ang show. Maraming reklamo na nakakarating sa akin. Kaya nagkaroon na ako ng mga formula para maiwasan ang mga ganitong sitwasyon.”


Leave a Reply

*
nyahahahah si Kim Bungol na naman ba yung Aktress ...
nyahahahah si Vivigsky yan hahahaha...
nyahahaha ayaw pang aminin nila na malaki ang DEB...
kung ang tax ni pacman mapupunta sa gobyerno san n...
nyahahahaha may utang rin naman ang GMA hahahaa m...
ABSCBN PUT MUCH EFFORT IN THEIR PRESS RELEASE OF T...
YUNG REPORT NG INCOME NG ABSCBN GALING MISMO SA NE...
BALITA SA SULOK NG GMA 7 DI NA MAGLABAS NG NET INC...
NYAHAHAHAHA SAAN NA ANG REPORT NG INCOME KAMUNING ...
Ayokong mag magaling at alam ko naman na di ko ala...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.