Aktres pinagpapantasyahan ng mga pulitiko

NAKAAAWA naman itong asawa ng isang artista na pulitiko. Bawat may mahahalagang okasyon, palaging ang kanyang asawa ang nagpupunta. Dalawang taon na itong napapansin ng mga kasamahang media sa SONA (State of the Nation Address) ng Pangulong Benigno Aquino III.

Pero in fairness sa politikong ito, tamad nga siyang pumasok sa Kongress pero marami naman siyang naibibigay na tulong sa kanyang mga kababayan sa isang sikat na probinsiya.

Pero minsan na rin itong napagkamalang bakla sa Congress dahil nga matagal na niyang asawa ang sikat na artistang nakapareha pa ng isang sikat na action star na pulitiko hanggang sa ngayon. Halos mag-lilimang taon na, hindi pa sila nagkakaanak.

Sa ngayon busy si aktres sa kanyang TV show sa isang sikat na TV network at kung minsan, siya naman ang pumupuno ng pagkukulang ng kanyang asawa sa trabaho dahil masipag itong magpunta sa Batasan Complex.

May kawtiyaw nga sa Congress ang ilang media. Bakit hindi na lang raw si aktres sumabak sa pulitika sa 2013 eleksiyon dahil masipag naman daw ito pumunta sa SONA?

Napansin rin namin sa Congress na maganda at seksi pa rin ang aktres na rating pumasok sa larangan ng pagpapaseksi sa pelikula. Marami ring mga Congressman ang nakakapansin sa kanyang byuti at mukhang pinagpapantasyahan pa siya ng mga babaerong congressman kasi nga bata’t seksi pa naman si aktres D.

***

ISA si Congressman Trisha Bonoan-David ng 4th Distirct ng Manila sa pinakamasipag pumasok sa Kongreso at may pinakamagandang mukha. Natutuwa rin ang kapwa niya pulitiko sa kanya dahil malakas ang PR ni Congresswoman David. Ang mga proyekto sa kanyang distrito ay libreng edukasyon at P20 milyon ang nilalayaan niya sa kanyang pondo para sa kanyang mga scholar. Naniniwala kasi si Congresswoman David na mahalaga ang edukasyon.

Regular rin ang pagbibigay niya ng mga wheelchair, cane at mga gamot sa kanyang distrito sa Sampaloc. Paborito ni Congresswoman David si Marian Rivera kaya kung gagawin ang kanyang life story si Marian ang gusto niyang gumanap. Maging interesado kaya sina Dona Villa at Direk Carlo Caparas sa kanyang life story?

***

ARAW-ARAW, mapanonood ang Eat Bulaga sa Siyete. Ang patok na portion nila ay ang ”Juan For All, All for Juan” sugod bahay na hatid sa inyo ng oke, Puregold, Vaseline, Hanabishi at Tiger Biscuit.

Sa rami ng sponsors, maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng number noontime show dahil katakot-takot na pera ang pinamimigay sa mga kababayan natin. Kitang-kita naman ang tuwa ng mga contestant kapag nananalo sila. Kaya  suportahan natin ang Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply