Ala-Ping vs bombers at pulitiko sa PSC, POC sipain

WALA pang nakatitiyak kung sino talaga ang nambomba kina Maguindanao Gob. Toto Magudadatu.

Pero nakatatakot isiping bala ng 105 howitzer o kan-yon ang ginamit sa pambobomba.

Napakalakas ang bombang yan at kaya nitong gumiba ng kahit malaking gusali o moog.

Bukod sa sharpnel nito, ang malakas na tunog nito sa pagsabog ay nakamamatay rin.

Bakit nagamit ang bala ng kanyon na tanging ang militar lamang ang may hawak?

ALA-PING LACSON

Dahil sa hirap na pagkilala kung sino ang may gawa ng pambobomba, kailangan ng mga awtoridad ang isang katulad ni Ping Lacson sa pag-iimbestiga.

Sinasabi natin ito dahil noong nabablangko ang mga awtoridad sa kung sino ang may gawa sa mga pambobomba sa Metro Manila, kabilang na ang LRT bombing, si Lacson ang nagpalutang na isang grupong terorista ang may gawa sa mga ito.

Hindi nagtagal, nagkatotoo ang sinabi ni Lacson at napawi ang paninira noon sa grupo nina Erap na sila ang may kagagawan sa pambobomba.

Simula noon, lumutang na nang husto ang Jemaah Islamiyah na ka-partner ng mga Abu Sayyaf sa mga pambobomba sa maraming parte ng mahal kong Pinas.

KNOCK-OUT GAME SA MANANAGWAN

Kailangan ng bansa ang mga manlalaro na kayang lumaban sa mga international competition.

Yun bang === makapag-uuwi ng gold medals at higit dito, makapagdadala ng Pilipinas sa karangalan sa mundo.

Nasasayangan tayo sa kalagayan ng Philippine Dragon Boat Team o Warriors sa hindi pagkakasama sa kanila bilang kinatawan ng Pinas sa Southeast Asian Games sa mga darating na panahon.

Ito’y dahil sa hindi umano kasali sa Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee ang Dragon Warriors.

Pero batay sa salita ni PNoy, kailangang itigil na ang pamumulitika sa sports.

Kung sino-sino ang mga karapat-dapat sa sports, sila ang dapat na bigyan ng pagkakataon.

Kaya naiisip natin na ilaban na lang ang Dragon Warriors sa mga kampiyon diyan
sa Canoe Kayak na nasa ilalim ng PSC at POC.

Paglalabanin sila at kung sino ang mananalo, sila ang magiging kinatawan ng Pinas.

Sipain na rin ang mga pulitiko riyan sa PSC at POC na nagiging dahilan ng matinding pagkainutil ng sports program sa ating bansa.

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply