‘Alabang boys’ case ire-review ni de Lima

NAKATAKDANG i-review ni Justice Secretary Leila de Lima ang kaso ng “Alabang Boys,” matapos mabasura dahil sa isyu lamang ng teknikalidad.

Kaninang umaga ay pinawalang sala ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 208 Judge Juanita Guerrero sina Richard Brodett at Jorge Joseph para sa kanilang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act dahil sa umano’y pagbebenta ng droga sa Alabang, Muntinlupa.

Pero sinabi ni De Lima na nais muna niyang makakuha ng kopya ng desisyon upang mapag-aralan kung ano ang posibleng susunod nilang hakbang.

Aalamin din umano ng kalihim sa prosekusyon kung ano ang naging pagkukulang sa paghawak ng kaso.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply