‘Alabang Boys’ hahatulan na sa Biyernes’

ILALABAS na sa Biyernes ng korte ang hatol laban sa mga tinaguriang “Alabang Boys” na nahaharap sa kasong may kaugnay sa iligal na droga.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Jose Gutierrez Jr., inaasahan din umano ang conviction laban sa mga akusado na sina Richard Brodett, Joseph Tecson at Jorge Joseph.

Ipinagmalaki pa ng opisyal na mayroon umano silang “air-tight case” laban sa mga nabanggit.

Maalala na taong 2008 nang maaresto sina Brodett at Joseph ng mga PDEA agents sa Ayala Alabang, Muntinlupa kasunod ng isinagawang buy-bust operations.

Si Tecson ay nahuli sa follow-up operation ng mga awtoridad sa Quezon City.

Narekober sa mga nabanggit ang ilang tableta ng ecstasy, cocaine at marijuana.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply