Alamang may red tide sa Eastern Samar

NAGPOSITIBO ang lamang dagat sa red tide toxin partikular ang alamang sa Matarino Bay, Eastern Samar.

Dahil dito, naglabas ng babala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa panibagong shellfish ban.

Ayon kay BFAR Dir. Asis Perez, bukod sa Eastern Samar, nagbabala rin sila iba pang mga lugar na may high toxicity level dahil sa paralytic shellfish kabilang ang Masinloc Bay sa Zambales, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, pati na ang Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur.

Dahil dito, pinagbabawalan ang paghango, pagbebenta, pagbili at pagkain ng alinmang shellfish sa mga nabanggit na lugar para sa kaligtasan ng mga mamamayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply