Alert level 3 itinaas na sa Syria

ITINAAS na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa level 3 ang alerto sa Syria dahil sa lumalalang tensiyon doon.

Nangangamba ang DFA sa seguridad ng mga Filipino worker doon kaya inilagay na sa ikatlong level ang alerto.

Sa alert level 3, ipinapatupad na ang boluntaryong paglikas ng mga kababayan sa naturang bansa.

Ang aksyon ay kasunod ng ginawang pag-atake na inilunsad ng pro-government troops laban sa mga protesters sa Latake City na nagresulta sa pagkamatay ng 25 katao.

Nakahanda na rin ang pamahalaan sa posiblidad na repatriation ng mga Pinoy sa Syria oras na mas tumindi pa ang kaguluhan doon.

Ayon kay Labor Undersecretary Danny Cruz, lumipad na noong Sabado ang isang team na kinabibilangan ng DFA at Dole para matutukan ang sitwasyon ng mga Pinoy doon.

Pinayuhan ni Cruz ang mga Pinoy sa Syria na manatiling alerto at palaging makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas doon upang agad na maaksyunan kung kinakailangan ng tulong.

Samantala, patuloy pa rin ang pangungmbinsi ng pamahalaan sa mga natitira pang Pinoy sa Libya na karamihan ay mga doktor at nurses.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply