Alimangong may imahe ni Kristo pinagkaguluhan sa Legazpi

PINAGKAGULUHAN at nagmistulang malaking atraksyon sa mga residente at mga turista sa Legazpi City ang isang alimangong may imahe ni Kristo.

Ayon sa nakabili ng alimango na si Lilian Antiquera, residente ng Barangay San Roque, lulutuin na niya sana ito nang mapansin niyang may imahe na may pagkakahawig kay Hesu Kristo sa ilalim ng katawan nito.

Sa paniwalang may kakahayan itong magkasa ng milagro, inilagay ito ni Antiquera sa kanilang altar upang dasalan at hingan ng tulong upang makagaling ng may sakit.

“Nung nalaman na nila po at nakita na nila, mas lalo pong dumami, iba’t ibang klase ng tao ang pumupunta. Mayroon din po akong nakikita na nag-wiwish na mawala na yung sakit na nila…dinadayo na po kami ngayon,” pagmamalaki ni Antiquera.

Paniwala naman ni Lawyer Catherine Manahan na buniyahe pa mula sa Manila para lamang makita ang alimango na mayroon itong mensaheng ipinararating.

“Siguro may dapat na gustong ipaalam sa tao, siguro magbalik-loob tayo, magdasal tayo,” sambit nito.

Sinabi naman ni Parish priest Fr. Ramon Tronqued na dapat isailalim sa isang proseso ang naturang alimango para mapatunayan na mayroon nga itong kakahayang magkasa ng milagro.

Gayunman, sinabi ni Tronqued, na wala namang masama kung ang dagsain o putaktihin ng mga deboto para lamang masilayan ang naturang alimango kung ito naman ay makaka-engganyo para lumakas ang kanilang paniwala sa Panginoon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply