Aljur Abrenica pang-gay bar lang daw ang beauty?

KUNG tutuusin, hindi naman talaga tama yung komentong pang-gay bar lang ang dating ni Aljur. Puwedeng ituring na detractor ni Aljur yung naringgan naming nagsabing mukhang call boy ang Kapampangan beauty na ito. Ayon sa detractor, napaka-ordinary lang daw ng katawan ni Aljur na talaga namAng halos lahat ng gay bar callboys ay may magandang pangangatawan.

“Mag-dancer na lang kaya siya sa gay bar,” sabi pa ng nagkomentong nakausap namin tungkol kay Aljur Abrenica.

In fairness to Aljur, in demand siya sa showbiz. Medyo mahirap nga ang i-sked ng mga imbitasyon at ibang inquiry kay Aljur dahil sa kanyang very hectic sked.

Ayan na nga, nawalan na siya ng time to continue yung exposure sana niya sa Ang Panday. Ang alam namin, Aljur sacrificed a lot to get the role, pero talagang pinakawalan pa siya ng “Panday” movie kasi nga talagang imposible na yung sked niya. Nasa states siya to do a show for GMA 7 nang tawagin siya sa shooting pero hindi puwede talaga. Kesa maghintay, Panday just opted to get another GMA talent na pupuwesto sa iniwang role ni Aljur. Ito ay kahit na maraming araw na itong nakapag-shooting, binalewala na lang at inulit na si Alden Richards na nga ang kapalit.

Tuloy naman si Aljur sa isang Viva movie at sa isang festival entry na si Kylie Padilla ang katambal niya.

So there!

***

Vice Ganda ayaw nang patulan pa ang mga lumang intriga

NAGING seryoso si Vice Ganda sa pag-tackle ng mga ugly issues na ibinato sa kanya noon. Sa wakas kasi, napapayag na ring humarap sa press si Vice para magpaliwanag sa maraming problemang pinag-usapan tungkol sa kanya.

As we all now, habang panay ang tira kay Vice, mas pinili niyang manahimik na hanggang ngayong nagsalita na siya, nais pa rin niyang bigyan ng proteksyon ang mga taong aniya’y naglampaso sa kanya.

Isa sa seryoso niyang sinagot ay ang tungkol sa isyung samaan nila ng loob ng Viva big boss na si Vic del Rosario pati na rin ang naging away din nila ni Direk GB Sampedro na siyang direktor niya sa nakaraang dalawang concerts niya sa Araneta Coliseum.

May naglabasan kasing sumama ang loob ni Boss Vic kay Vice dahil malaki na raw ang ulo nito at nag-demand ng mataas na TF para sa nakaraang concert sa Araneta kung saan ay Viva Concerts ang nag-produce.

Na-involve si Direk GB dahil siya ang napaghinalaang naglalabas ng mga negative issues tungkol kay Vice na itinanggi naman ng direktor pero lumabas din na may sarili rin siyang sama ng loob sa naturang comedian/TV host.

“Actually, ayoko na sanang masyadong pag-usapan ’yan,” simula ni Vice, “kasi ’pag ako nagsalita pa ng masyadong mahaba, may mga taong mapapahiya.

“Nu’ng mga panahong nagsasalita sila tungkol sa isyung ’yan, nanahimik ako, pinapahiya nila ako pero okay lang, ipahiya n’yo ako nang ipahiya. Kaya lang kasi, may mga taong mapapahamak ’pag nagsalita ako nang totoo.

“’Yung kay Direk GB, hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng sama ng loob sa akin kasi, natapos at natapos ang konsiyerto nang maayos kami. Kaya kung may something siya sa akin, hindi ko alam. Na kung meron man, dapat sinabi niya sa mukha ko, ’di ba?

“Kaya kung meron, pasensiya, kung na-offend ko siya kung anumang pamamaraan, mag-a-apologize ako sa kanya kung sinabi niya sa akin. Wala naman siyang sinasabi, kaya hindi ko alam.

“Si Boss Vic, nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan. Honestly, sasabihin ko na ngayon pa lang, sumama ang loob ko kay Boss Vic, pero na-resolve na namin.

“Ang totoo, hindi si Boss Vic ang sumama ang loob. Ako ang sumama ang loob kay Boss Vic, pero ni-resolve ni Boss Vic nang maayos kaya natapos at nagawa namin ang show nang matiwasay.

“In fact, right after the concert, they were asking for a repeat. Kung hindi kami okay ni Boss Vic, bakit siya magpapa-repeat, ’di ba? At saka, mina-manage ni Boss Vic ang endorsement ko. After ng concert, binigyan ako ng panibagong proyekto ni Boss Vic.

“Kaya kung hindi kami okay ni Boss Vic, (bakit) ang dami niyang proyektong ibinibigay sa akin. Ang ‘Private Benjamin,’ under Viva Films, ang album ko, kay Boss Vic din, lahat. Ang daming nangyayari sa kabuhayan ko ngayon na may kinalaman si Boss Vic. Kung hindi kami okay, hininto na namang lahat ’to. Kaya kami ni Boss Vic, okay na okay,” ang mahabang paglilinaw ni Vice Ganda.

Nakiusap din siya na tapusin na ang issue ni Direk GB at huwag nang pahabain pa dahil matagal na raw tapos ang concert.

“At saka, habang pinag-uusapan natin ’to, mas lalo pang nagkakasakitan ang dalawang partido. Itigil na natin itong issue na ito,” pakiusap ni Vice.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply