Altas nakasilat sa Blazers

NAKA-SUNGKIT ng panalo ang host school Perpetual Help Altas matapos silatin ang pinapaborang College of Saint Benilde Blazers, 63-57 sa nagaganap na 87th season NCAA men’s seniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan ngayong hapon (Biyernes, Agosto 26)..

Humabol ang Altas mula sa 29-20 kalamangan ng Blazers sa pagtatapos ng half time.

Nanguna si Anthony Paulino sa third quarter scoring, (six pts.) at nag-ambag din ng tigatlong puntos sina Jet Vidal at Justine Alano upang tapyasan ang lamang ng CSB, 38-39 papasok ng fourth canto.

Sa final quarter, si Vidal naman ang kumana ng maraming puntos (13 pts.) para tuluyang makahabol ang Altas at ilista ang 2-9 win-loss slate.

Umabot sa 19 puntos ang nagawa ni Vidal kasama ang four rebounds at dalawang blocks habang sina Alano at Paulino ay sumalpak ng tig-sampung puntos.

“Naka-tsamba tayo.” masayang sabi ni Altas head coach Jimwell Gican. “Nagtiwala sila na kaya nila kaya nanalo kami.”

Natamo ng Blazers ang ikalawang sunod na talo sa second round eliminations kaya naman mayroon na silang 4-7 panalo-talo karta.

Si Juan Taha ang umunat ng maraming score sa CSB matapos sumalpak ng 13 pts., five rebounds at tatlong steal habang tumulong sina Carlo Lastimosa atJonathan Grey ng tig-12 puntos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply