Altas sa table tennis babawi

BINUBUGBOG ang host Perpetual Help Altas sa basketball competition kaya naman asahang babawi sila sa ibang laro.

Sa darating na Sabado (Agosto 27) hahataw ang Altas Netters sa pagbubukas ng NCAA 87th Season table tennis competitions na gaganapin sa Mapua Gym sa Intramuros, Maynila.

Tatlong laban agad ang papaluin ng Altas, una kontra Cardinals sa alas-8:30 ng umaga, sunod ang Letran Knights sa alas-10:00 ng umaga at San Sebastian Stags sa alas-dos ng hapon.

Ayon kay Altas coach Joselito Almazan, matindi ang naging ensayo ng kanyang mga bataan bago ang season kaya umaasang magiging maganda ang kampanya sa torneo.

Sa likod ni skipper Argel Carandang at mga mainstay na sina Robert Rosales, Denis Picondo, Vittorio Leocadio, Kenneth Igon at Adrian Remo, nakasilip ang Altas sa pagduplika ng three-peat noong 1998-2000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply