‘Toyota Tent Event’ ilulunsad

SA IKA-23 anibersaryo ng kanilang kompanya, ipinakikilala ng Toyota Motor Philippines (TMP) ang “Toyota Tent Event” — ang pinakamalaking Toyota car sale ng taon.

Maliban sa kasalukuyang discounts na makukuha sa mid-year madness sale promo ng Toyota, ang Toyota Financing Services (TFS) ay maghahandog pa ng iba’t ibang packages na pasok sa budget ng mga mamimili.

Ilan sa packages na ito ay ang Pay Low, Pay Later at Pay Easy.

Para naman sa mga nagmamay-ari na ng mga lumang Toyota models, maaari nang  i-trade in ang kanilang mga sasakyan kapalit ng mas bagong modelo na may diskwento pang P50,000.

Ang mga customer naman na magpapareserba ng sasakyan sa mga nakatakdang araw ay mabibigyan ng diskwentong P20, 000. Humigit-kumulang sa P170, 000 ang matitipid ng mga bisitang bibili ng sasakyan on-site.

Bukod sa mga diskwentong handog, maaari ring makapag-uwi ng sari-saring mga papremyong tulad ng iPod Shuffle at Nano ang mga nagparehistro sa pamamagitan ng daily raffle draw.

Ilulunsad rin sa Tent Event ang pinakabagong models ng Toyota Fortuner at Hilux. Kasama ng iba pang Toyota cars, maaari ring i-test drive ang mga bagong sasakyang ito.

Ayon sa TMP Executive Vice President na si Yuji Goto, ang Tent Event ay ang kanilang handog na pasasalamat para sa tiwalang ibinibigay ng mga customer sa Toyota brand.

Gaganapin ang Toyota Tent Event sa NBC Tent, Bonifacio Global City sa Agosto 18-23.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply