Ampatuan inginuso sa pambobomba kay Mangudadatu

NANINIWALA si Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu na walang ibang may kakayahan upang pagtangkaan ang kanyang buhay kasunod ng car bomb kahapon sa Tacurong na ikinamatay ng dalawang katao at pagkasugat ng anim na iba pang kasama niya sa convoy.

Ani Mangudadatu, wala na umano siyang naging kalaban sa pulitika na nagresulta sa pagkamatay ng kanyang maybahay at mga mamahayag nang ito ay naghain pa noon ng kaniyang certificate of candidacy sa nasabing lalawigan.

Aniya, sang-ayon ito sa anggulo ng PNP na posibleng kamag-anak ng mga Ampatuan ang may-ari ng ginamit na sasakyan sa krimen.

“Pinagtagpi-tagpi ng PNP ang mga impormasyon. Alam mo Jofrey, wala na tayong may nakalaban sa pulitika, wala nang iba pang may kakayahan na gumawa ng ganoong krimen. Subalit magpasalamat tayo sa Maykapal na nakaligtas tayo,” ani Mangudadatu.

Subalit sa kabila nito, nagpasalamat pa rin Mangudadatu na nakaligtas siya sa tangkang pagpasabog sa araw mismo ng kanyang kaarawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply