Anak ni Ghadafi kumpirmadong patay na

KINUMPIRMA ni Col. Boujela Issawi, pinuno ng command center ng mga rebelde, na napatay na nila ang anak ni Moammar Gadhafi na si Khamis na siyang nagmasaker sa mga preso.

Napatay umano si Khamis sa ospital sa bayan ng Bani Walid.

Kasabay nito, binigyang diin ng Amerika na hindi pa nakaalis ng Libya si Gadhafi kahit na nilisan na ito ng kaniyang pamilya na kumpirmadong nasa Alegeria na ang kanyang asawa na si Safia, at mga anak na sina Hannibal, Mohammed at Aisha.

Nabatid na kinumpirma naman ni Algerian Foreign Ministry na nasa bansa nila ang pamilya ni Gadhafi kung saan napatunayan na ang mga ito nga ang sakay ng armored Mercedes Sedans na pumasok sa Algeria noong nakaraang linggo.

Ayon sa Algeria, ipinaalam na nila kay UN Secretary General Ban Ki-moon, sa presidente ng UN Security Council at lider ng National Transitional Council ng oposisyon sa Libya na hawak nila ang pamilya ni Gadhafi.

Dumaan umano ang mga ito sa border ng Libya at Algeria.

Kasabay nito, inihayag ni Ahmed Jibril, ikalawang pinakamataas na opisyal ng oposisyon, kanilang hihilingin sa Algeria na ibalik sa Libya ang asawa at mga anak ni Gadhafi upang litisin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply