Andal pinayagan nang magprisinta ng testigo

PAYAG na ang Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) sa paulit-ulit na kahilingan ng pangunahing suspek sa Maguindanao massacre na si Andal Ampatuan, Jr., na makapagprisinta ng mga testigo sa hukuman upang makapagpiyansa.

Pinagbigyan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 221, ang mosyon ng depensa kahit hindi pa malinaw kung sinong saksi at kung anong ebidensiya ang isusumite ng kampo ng akusado.

Sa kasalukuyan, nagpiprisinta na ang prosekusyon ng kanilang mga testigo upang harangin ang petisyon ni Andal Jr.

Si Andal Jr., ang itinuturong utak sa pagpaslang sa may 57 biktima noong Nobyembre 23, 2009 sa Ampatuan town, Maguindanao province at bunga nito ay 196 katao na ang nakasuhan ng multiple murder case.

Bago ito, tinabla ng korte ang “plea” ni Andal Jr., na kumukuwestiyun sa kuwalipikasyon ng miyembro ng private army ng kanilang angkan, gayundin ang pagpapatibay ng korte sa posibleng pag-upo ng 33 iba pang akusado bilang state witness.

Ipinaliwanag ni Solis-Reyes na kulang sa merito ang dalawang mosyon na isinumite ng kampo ni Andal Jr., na nagpoprotesta sa kuwalipikasyon ni Kenny Dalandag at ng 33 iba pang akusado bilang mga saksi.

Si Dalandag ay miyembro ng civil military organization na sinasabing nasa pinangyarihan ng krimen noong Nobyembre 23, 2009 na dapat ay noon pang Hunyo 23 nakapagbigay ng testimonya ngunit tinutulan ng depensa dahil nais nilang maresolba muna ang kanilang mosyon na tanggalin ito sa listahan ng testigo.

Inamin umano ni Dalandag na kasabwat siya sa pagpatay kaya dapat na isa rin siya sa akusado ngunit hindi ito kinatigan ng korte dahil wala namang reklamong naihain laban sa kanya kaya siya ay kinikilala bilang ordinaryong saksi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply