Ang buttocks, mukha pati nota, ay retokado rin

MAY pakiusap pala ang pamosong reyna ng retoke na si Dra. Vicki Belo na sana ay tawagin pa rin ng madla na “doktor” ang future husband n’yang si Hayden Kho kahit na tuluyan na itong tinanggalan ng lisensya bilang doktor dahil sa pagiging dayukdok n’ya sa sex.

Nabasa namin sa isang website (na naka-payroll yata sa PR budget ng magiting na doktora ) na kamakailan ay pinapurihan si Hayden ng ilang kompanya dahil sa pagsasalba n’ya sa buhay ng isang co-passenger n’ya sa isang eroplano. May mga natanggap din umano si Hayden na mga certificate of appreciation dahil sa volunteer work n’ya bilang doktor sa kung saan-saan.

Ang main argument nga pala ni Dra. Belo kung bakit hinihiling n’ya sa madla na tawagin pa ring “doktor” si Hayden ay dahil tapos naman daw talaga ito ng Medicine. Oo nga naman.

Eh si Elizabeth Oropesa nga na nag-aral lang ng natural medicine nang ilang buwan lang yata sa Sri Lanka (ang dating Ceylon) ay ibinabando ang sarili n’ya bilang “Dr. Elizabeth Oropesa Freeman” (na siyang tunay n’yang pangalan bilang dalaga), eh bakit nga naman hindi si Hayden na tapos ng Medicine? As far as we know, sa University of Santo Tomas naggradweyt si Hayden, at du’n din nagtapos ang magiting na doktorang retokada na reyna rin ng pagriretoke sa lahat ng kayang magbayad sa serbisyo n’ya! (Tumatanggap kaya ng bayad in kind ang mapagkawanggawang doktora?) Pinarangalan nga siya kamakailan bilang isa sa tatlong alumna ng UST nung nagdaos ito ng quadricentennial anniversary ang dakilang unibersidad.

Alam n’yo bang ang buttocks at mukha ni Hayden ay may retoke rin courtesy of  Dra. Belo? Yan ay ayon sa isang malapit na kaibigan ng karinyosang doktora. So bakit hindi si Hayden na lang ang gawing main male endorser ng Belo Medical Group? Sanay na naman si Hayden na ibuyangyang ang hubo’t hubad n’yang katawan sa madla. Balita namin, du’n sa ipinasapasang sex video n’ya with an ex-beauty queen, talagang rumampa siya nang rumampa para ipakita ang katawan n’ya at most private external part of his body.

Unfortunately, hindi na pwedeng maglagay ng billboard ng mga lalaking hubad sa mga kalye ng Metro Manila. Pero pwede pa yata sa mga probinsya, pati na sa mga print ad. Pati nga sa TV, pwede pa rin. So, Dra. Belo, gawin mo ng main male endorser ng services ng medical group mo ang future husband mo. Bantayan mo na lang siyang mabuti para hindi na siya makipag-sex kung kani-kanino na may matching video coverage pa!

But, then, actually, happy kami na pinagtatanggal na ang mga malalaking billboard sa Edsa, kaya kita na ang kalawakan tuwing dumaraan ang mga sasakyan du’n.

Oo nga pala, kung hinahanap-hanap n’yo yung ex-beauty queen na ka-sex ni Hayden du’n sa hit na hit n’yang video, iginarahe na yata siya ng isang napakayamang TV executive na taun-taon yata ay ibang napakagagandang babae ang iginagarahe. Huwag kayong mag-alala para sa babaing iyon. Pag pinagsawaan na siya ng bilyonaryong TV executive na yon, milyonarya na siya. Hindi na n’ya kailangang “magtiyagang” mag-artista na supporting “lang” ang role.

***

SWEET naman si Jun Loyola, yung guwapito at bata pang field reporter ng TV5 na isinulat namin kamakailan dito. May nagbalita yata sa kanya na isinulat namin siya, binasa n’ya ang isinulat namin, at ipinagtanong n’ya kung paano kami mati-text para makapagpasalamat siya.

May isa namang beterano at talagang iginagalang na entertainment columnist na ipinabatid sa amin nang personal ang pagkatuwa n’ya sa diskusyon namin ng tamang paggamit ng “watch out” at “watch for” nang magkita kami sa isang press conference kamakailan.

***

PANAY nga pala ang banggit namin na madalas kaming manood ng music videos. Hindi po namin inirirekomenda sa mga kabataan ang panonood ng music videos after 9 p.m. Masyado na po kasing erotic ang mga ipinalalabas na music video after 9 p.m. Baka mabulid sa irresponsible and premature sex ang mga kabataan kung lagi mahihirati sila sa mga makamundong music video.

Hindi na nga pala namin nakikita sa cable TV ang Channel V na mainly ay isang music video channel. Nagsara na ba yon dahil sa nakakulong sa Hong Kong ang may-ari nito na si ex-Congressman Ronald Singson?

You may follow us on Twitter: @dannyvibas. Nasa FB rin kami as dannyvibas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply