Ang mga balimbing nag-aaway-away na

ANO ba talaga yang pagiging miyembro ng partido pulitikal sa repablik ni Juan?

Aba marami ang kahulugan nito.

May mga sumasapi sa isang partido dahil umano sa prinsipyo na dala-dala nito.

Por eksampol dito ang ilang nasa partylist.

Meron namang nagtatatag ng sarili nilang partido para sa sarili nilang kapakinabangan at gusto lang nilang pagharian ito.

Eh ano kung kulay dinastiya o pampamilya lang yang partido na yan!

oOo

Pero higit sa lahat, ang pagsapi sa partido pulitikal ay weder-weder lamang at balimbingan.

Kapag malakas ang isang partido at maipananalo nito ang isang pulitiko, manunumpa agad ang kumag na pulitiko.

Karaniwang nasa administrasyon sa mga bagong taon nito ang malakas na partido at dinudumog dahil sa pag-ulan ng mga pork barrel nang walang hasel.

Pero pag lumitaw na ang tunay na kulay ng mga nasasarapan sa poder, magsisimula na rin itong guguho at kanya-kanyang layas na ang mga pulitiko at sasapi sa ibang partido.

Ang mga balimbing na higit na nakararami sa mga pulitiko ang nabibilang dito, ang mga higit na nakikinabang sa panalo sa halalan at pork barrel.

oOo

Ngayon ay nag-aaway-away na ang mga balimbing.

Lalo na ang may kaugnayan sa kalagayan ni Gloripie vs PNoy.

Dating kakampi at kaaway ni Gloripie ang mga ito.

Noong kalakasan ni Gloripie sa Malakanyang, Gloria boys sila.

Ngayong nawala sa poder si Gloripie, ipinangangalandakan nilang sila ang kampiyon sa pagpapalayas kay Gloripie sa puwesto.

Kahit na hindi totoo, at ang totoo gusto lang nilang mag-ingay para sa 2013 halalan.

Kita ninyo, Suki?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply