Ang mga diktador, herodes at utak wang-wang

SANTAMBAK ang mga pumuputok na suliranin ng bansa.

Naghahalo ang balat sa tinalupan ng mga panlabas at panloob na problema.

Pinakahuling nakakakaba ang biglang pag-tagilid ng ekonomiya ni Uncle Sam na tiyak namang makasasama sa ating pambansang ekonomiya.

May krisis sa kita at empleyo ng krisis ni Uncle Sam sa ating nasa 3-5 milyong overseas Filipino worker doon.

Dahil dito, ang mga umaasa sa kanila na mga pamilya rito sa repablik ni Juan ay makararanas din ng krisis.

Sa ibang salita, magkakakrisis ang remittance ng mga OFW, Derpor, magkakaroon ng kagipitan dito.

oOo

Nandiyan naman ang mga giyera patani sa pulitika.

Sa tindi ng giyera ng mga ito, may gustong magpakulong ng kapwa nila pulitiko.

Kung tutuusin naman, eh, korap bersus korap ang labanan.

Kaya lang kumakapit ang isa’t isa sa weder-weder na sistema at kung sino ang nasa poder, siya ang may kapal ng mukha na magpakulong.

Dahil dito, baka mamaya ay bigla na lang may balita ukol sa kudeta bilang panlaban ng mga dehado sa labanan.

oOo

Ang isang masakit dito, sinasalakay ng matinding sakit ang mga madlang pipol.

Pero nakapagtatakang hindi maringgan ng malakas na boses ang mga onorabol, maging sa Malakanyang.

Naririnig lang ang sigaw ng mga ito sa mga giyera patani at umaalingawngaw ang boses ng mga ito nang bansagan nila sa isa’t isa na

“Diktador,” “Herodes,” “Utak Wang-Wang” at iba pa.

Nasaan na nga ba ang boses ng mga onorabol ukol sa krisis sa mga pamilyang OFW at nadedengue?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply