Ang pagkakaiba nina Manny at Willie…

NAKAKWENTUHAN namin si Direk Louie Ignacio na director ng game show ni Manny Pacquiao sa GMA 7 na Manny Many Prizes. Aware na siya na ikinukumpara si Pacman sa pagho-host ni Willie Revillame sa ‘Wil Time, Big Time.’

“Sana lahat ng tao ‘wag mag-compare sa hosting ni Manny kay Willie kasi pareho lang silang gustong makatulong sa tao. Si Manny, bagong-bago ‘yan tapos live pa ‘yung show niya, so ‘wag munang mag-expect kay Manny ng sobrang galing mag-host kasi ang purpose naman niya dito ay mamigay at tumulong,” pahayag ni Direk Louie.

Pera ba talaga ni Manny ‘yung pinamimigay?

“Pera niya kasi co-prod siya dito. So, meaning gusto niya lang talagang tumulong. Sabi nga niya sa akin, kung may show si Willie at may show siya, dalawa na silang tumutulong sa tao, marami ang mabibigyan, di ba?

Nu’ng umpisahan ba ito direk, wala yung konseptong ilaban sa show ni Willie?

“Madalas kaming nagkakausap ni Manny, wala. Wala sa intensyon niyang kalabanin si Willie. Nagkataon lang na ‘yun ang open na time slot. Kung kakalabanin niya si Willie dapat ay nag-daily na siya. Eto every Saturday lang naman, once a week.

“So, once a week, gusto niya ay tumulong man lang sa tao. ‘Yun lang naman ang purpose niya, malaki ang kita niya kaya gusto niya mag-share. At saka magkaibigan sila,” sey pa ni Direk.

“At saka lahat naman ng game show may pagkakahawig, may host, may games, namimigay ng pera, di ba? Ganyan din ang ‘Eat Bulaga,’ ang Happy Yippey..Lahat naman gustong mamigay sa tao. Nagkakataon lang, tapat. Pag Sabado lang naman ‘yaon.

Kumusta naman katrabaho si Manny?

“First time na nakasama at napakabait. Hindi ko siya iiwanan. Walang money involved, hindi ako nanghihingi, hindi niya ako binibigyan.Pero talagang mabait lang siyang tao, napaka-humble, down  to earth. Mahal niya ang staff, mahal niya kaming lahat.”

***

SEKSING-SEKSI si Judy Ann Santos sa presscon ng kanyang bagong show sa ABS-CBN na “Junior Masterchef, Pinoy Editon.” At very proud na rin siya na ang ginamit niya ay ang apelyido ng kanyang asawa kaya Judy Ann Santos-Agoncillo ang billing niya.

Matatandaan kasing lumobo talaga siya pagkapanganak kay Luccio at napakarami nga raw niyang masasakit na salitang inani nang time na ‘yun.

“Wala po akong Twitter, pero kapag nagbabasa ako ng Twitter, kung makapanglait, parang sobrang perfect, eh. Lahat naman ng artista yata dumadaan sa ganyan, pero yung kaya kong patunayan na bigyan n’yo lang ako ng time, darating tayo sa ganyan.

“Ang pagpapayat naman, hindi naman yan parang kumuha ka lang ng damit sa cabinet, tapos payat ka na. Siyempre, may tamang oras, panahon, matinding effort bago ka pumayat.

“So, para sa lahat ng tao na gustong pumayat, na sinasabihan na wala man lang effort na magpapayat, bigyan n’yo ng time, wag naman agad-agad na manglait, kasi, tao naman tayong lahat, eh.

“Kaya naman namin, eh, wag n’yo lang kaming i-pressure, wag n’yo kaming laitin, tao naman kami, may feelings din kami,” bulalas ng young superstar.

May nagbiro naman sa kanya na dahil sa kanyang figure ngayon ay hindi malayong masundan si baby Lucchio at aniya, wala namang kaso ‘yun pero sa ngayon ay sobra raw nilang nae-enjoy ang progress ng baby nila, ganundin si Yohan.

“Sa ngayon, nahahati namin ng tama ang atensyon sa dalawang bata, kasi dalawa kami, so pantay ang atensyon na naibibigay. Kung tumatlo, baka hindi pa namin mabigay lahat, eh, Pero kung darating, oo naman, bakit hindi, wala namang problema,” sey pa ni Juday.

Samantala, dream come true para kay Juday ang programang Junior Masterchef, Pinoy Edition dahil nang pinapanood daw niya ang CD ng original edition nito sa United Kingdom at Australia , hindi raw niya naisip na makararating ito sa Pilipinas.

“Kasi parang inisip ko, meron ba talagang sasali na mga Filipino kung saka-sakaling makarating dito ang franchise ng Masterchef? And nun’g in-offer sa akin, logo pa lang naluha na ako. Kasi pinapanood ko siya, eh.”  Aminado naman siyang kinakabahan siya dahil hindi naman daw siya talaga host.

“Ang alam ko lang, eh mag-memorya at umarte, makipag-away sa eksena, pumunta sa set na ready na akong umarte. Eto, kailangang dumating ako sa set na handa ang emotions ko sa pakikipag-usap sa mga bata, handa rin ang emosyon ko bilang nanay para i-encourage sila everytime na may mga times na halimbawa, naiiyak sila kapag mayroon silang nagagawa.”

Pero kakaibang experience raw ito at para sa kanya ay isang malaking learning process para sa isang taong tulad daw niya na bata pa lang ay pag-arte na ang nakagisnan.

But over-all, isang malaking privilege raw sa kanya na maibigay sa kanya ang show na ito na magsisimula na sa Aug. 20.

Ayon kay Juday, sa first few weeks ay every Saturday mapapanood ang Junior Master chef at siniguro raw niya na hindi ito makatatapat ng show ni Ryan sa TV5 na “Talentadong Pinoy.”

“Kasi siyempre, gusto ko naman na mapanood ng mga tao pareho ‘yung shows namin. And respeto na lang sa show ni Ryan, nauna naman talaga ang Talentadong Pinoy, Parang hindi naman din tama na pagtapatin kami at iba naman ‘yung tema ng show niya at tema ng show ko. Gusto ko, pag napanood ng mga tao, parehong show.”

Speaking of Ryan, natanong kay Juday ang tungkol sa teleseryeng gagawin ng asawa sa TV5 kasama ang Superstar na si Nora Aunor at siyempre, ani Juday, super-proud and happy siya about it.’

“Oo naman! Oo naman, ano ba! Lahat naman tayo, excited na finally nandito na si Miss Nora Aunor and nakaka-excite na muling mapanood siya sa TV, sa pelikula kasi na-miss naman siya talaga ng mga tao. And parati ko namang sinasabi ‘yung level ng acting niya na ibinigay ni Ate Guy, wala namang makakagawa nu’n, wala namang makapapantay, so,excited akong mapanood muli ang pag-arte niya,”  bulalas pa ng young superstar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply