Ang ‘terrible two’

NAKATUTUWA na makita ninyo na mabilis na lumalaki ang inyong anak. Ngayong two-years old na siya,”congratulations” dahil good job ito para sa inyo mga daddy at mga mommy lalo na kung malusog ang inyong bagets.

Ang mga bata na nasa sa gaitong edad ay talagang, aktibo, malilikot at makukulit kaya nga sila binansagan na “terrible two” dahil sa mga katangiang ito.

Huwag masyadong maging monster sa kanila kung hindi agad na sumusunod sa inyong mga sinasabi at pinapagawa. Ganun talaga. Tiyaga, tiyaga at tiyaga.

Sa pagpapalaki talaga ng mga bata dapat magkaroon ng mahabang pasensya dahil likas na kakaiba pa ang gawi at pag-uugali ng mga “teriible two.”

Kung ikaw ay nagta-transform kapag nagagalit to the max sa kakulitan ng iyong anak ay tiis mga mister at mga misis dahil parte yan ng pagiging magulag. Siguradong hindi lang ikaw ang nakararanas niyan. Isispin ang pagmamahal upang malusaw ang init ng ulo.

Paano nga ba ang tamang pag-handle sa tinatawag na terrible two

1. Hay, kahit mahirap, huwag mapikon. Halos Lahat ng magulang ay dumadaan sa stage na ito. Siyempre naman lahat ng bata ay dumadaan sa ikalawang edad.

2. Mag-isip ng mga bagay na nakakakalma kapag nangungulit ang terrible two. Sa ganitong paraan ay maiiwasan mo ang mapasigaw at mamula sa galit. Lalo na sa mga matataong lugar kung kayo ay wala sa bahay ng anak mo.

3. Magkaroon ng maraming quality time kung saan maipadadama sa mga ang pagmamahal nina daddy at mommy. Maaaring magkaroon ng play time, dahil ang teribble two ay likas na mapaglaro. Gusto nila ng mahabang time sa paglalaro.

Kung lagi kayong nasa bahay, ay lumabas naman halimbawa sa mall o park kung saan mage-enjoy ang iyong tsikiting.

4. Reassure your child. Naku mga daddy at mga mommy, mahalaga ito, ang inyong mga anak ay malamang na hinahanap-hanap ang inyong comfort. ang best way para maipakita ito ay ang pagpapaalala sa kanaila na mahal ninyo sila at nandiyan kayo lagi sa kanila.

5. Magkaroon ng time para sa sarili. Siyempre pinakaimportante para sa inyo ang inyong mga anak ngunit dapat na alagaan at magkaroon ng oras sa inyong mga sarili. Sapat na pahinga at masustansiyang pagkain at nakare-relax na libangan upang maiwasan ang pagkakasakit at agad na pagkapagod.

Tandaan sa pagpapalaki at pag-aalaga sa mga anak ay kailagan na healthy din ang mga magulang upang magkaroon ng maraming reserbang lakas.

Kung pagod na sa trabaho at sa bahay, para sa mga nanay, maaari ang pagpapa-manicures, pedicures, hot bath, good book, aroma therapy o kahit na anong libanga na nage-enjoy ka. Sa mga daddy naman, kung nag-eenjoy sa video game, ilang outdoor activities, sports at kung anu-ano pa gogogo na.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply