Angeline Quinto dating tomadora, katropa ng mga tibo

HINDI pa man siya ganoon ka-star pero kung anu-anong intriga na ang ipinupukol sa first grand winner ng “Star Power” ni Sharon Cuneta na si Angeline Quinto.

Una na ay ang pakikipagtalbugan raw nito sa ating Pop Star Princess na si Sarah Geronimo na dapat ay magkasinglaki ang picture nila sa Belo ads na pinagsamahan nila. Ayaw rin daw nitong kumanta ng mga song na mababa ang nota dahil ang gusto niya ay puro mga birit ang kantahin nang siya ang mangibabaw sa ASAP Rocks kung saan magkasama sila ni Sarah.

At ang latest na intriga rito kay Angeline ay noong time na wala pa siyang name at sumasali lang sa mga amateur contest, laman daw ito ng mga bar malapit sa kanilang lugar kung saan gabi-gabi raw itong tomotoma kasama ng mga katropang tibo.

Pinalalabas nang sumulat ng item na ito na si Manang Cristy Fermin na tomboy si Angeline (Sexcuseme! di ba’t si Ferminata ang lengua at mahilig sa mga seksi at magagandang babae? Teka, di lang pala sa mga babae, terror rin nga pala sa mga ombres ang di kagandahang matronang ito at sandamakmak din ang naging ombres nito in the past. Hahahahahaha! – Ed) at nagkaroon pa raw ito noon ng karelasyong babae.

Well, kung true ito, siguro lahat naman tayo ay may past at wala naman ni isa sa atin ang perpekto. Ang importante ngayon ay present at baka kinalimutan na rin naman ito ng newcomer diva lalo pa’t may inaalagaan na siyang career sa Kapamilya Network. Pero yung tungkol sa kanila ni Sarah, kung nakikipagkumpetensiya nga si Angeline sa sikat na young singer-actress, napakaaga pa para gawin niya ito. Mas maganda kung pagbutihin na lang niyang lalo ang kanyang craft dahil talagang may talent naman siya para maabot ang gustong marating sa kanyang showbiz career. Korek gyud!

***

DOH mahihiya sa ‘Ayos Barangay Gang’ ng Eat Bulaga

TULUY-TULOY ang pagli-level-up ng Juan For All, All For Juan sugod-bahay sa barangay na public service segment ng paboritong noontime variety show ng milyun-milyon nating mga kababayan na Eat Bulaga. Naku! Maliban sa maraming biyaya kasama na ang malaking halaga ng cast at marami pang iba na ipinagkakaloob araw-araw ng show sa mga residenteng mula sa iba’t ibang Barangay na nabubunot ni Bossing Vic Sotto ang pangalan, patuloy pa rin ang paghahatid serbisyo ng grupo sa kanilang dalawang klase ng pagtulong sa ABG na Ayos Bahay Gang at Ayos Barangay Gang.

At kung nabigyan ng Bulaga ng medical facilites, maraming gamot at vitamins ang walang kalaman-lamang gamit na Health Clinic ng Brgy. Wawa Ibaba Lemery, Batangas, noong Sabado ay nagkaroon naman ng operasyon linis dengue sina Wally, Jose kasama si Anjo Yllana at mga volunteer na residente ng Brgy. Balong Bato, San Juan City kung saan nilinis ng mga ito ang gutter, mga kanal na pinamamahayan ng nakamamatay na lamok.

Tinakpan rin ng mga ito ang mga balde at drum na may naka-stock na tubig na pinagpupugaran ng mga kiti-kiti.

Aba’y mahihiya ang Department of Health (DOH) kung napanood nila ang paglilingkod bayan na ito ng Eat Bulaga para maproteksiyonan ang mga Dabarkads at makaiwas sa dengue na maraming bilang na ang mga namamatay ngayon sa iba’t ibang hospital. At hindi lang ‘yan ang ginawa ng Bulaga kundi nagkaroon din sila ng dental mission sa nabanggit na barangay sa itaas kasama si Dabarkads RubyRodriguez, Anjo, Wally at Jose at ilang dentista para sa linis ngipin sa mga bungi at libreng bunot na rin ng ipin.

Samantala, si Stella Villena naman ang nabiyayaan ng datung, grocery items sacks of rice GC worth P5K from Puregold, P5K pa rin mula sa Lucky Me Nam-Nam at malamig na Coke at masasarap na food na sabay-sabay na pinagsaluhan ng buong pamilya ni Stella sa kanilang pananghalian habang nanonood ng Eat Bulaga. Tumanggap din ng Nokia C2-03 dual sim ang naturang ginang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply