Anjo Yllana mahilig sa ‘bakla’

IKINAGULAT ng kasama naming gay reporter ang sinabi ni Anjo Yllana na mahilig ito sa bakla!

Pero bago mag-isip nang hindi maganda, ang sinasabing bakla ni Anjo ay pagkain ng baklang alimango.

Isa kasi sa mga paboritong pagkain niya ay alimangong bakla dahil mas masarap at marami raw itong alige kaysa sa mga lalaki o babaing alimango.

Sa tuwing may okasyon o may mapuntahang malaking handaan ay hinahanap at hinihiling niyang pagkain ay alimango.

Sarap na sarap siya sa baklang alimango kaya sira ang diet niya kapag nilapagan na siya sa lamesa ng nasabing pagkain, kesehodang tumaas ang kaniyang blood pressure. Pero pahabol ni Anjo na maingat naman raw siya sa kanyang health. Hindi naman daw palaging ganoon ang kinakain niya.

Anyway, natutuwa at masaya si Anjo dahil boses niya ang ginagamit sa buwayang si “Bangis” sa serye ng TV5.

Hangad ni Anjo na isa mga host ng Eat Bulaga na magkaroon ng solo sitcom sa TV5 o kaya ay maibalik ang dating sitcom nila ni Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada at Wendell Ramos na “Palibhasa Lalake.”

Well, paging TV5 management. Tutal mga Kapatid na sina Joey, Wendell atbp actors na kasama rin sa dating sitcom na Palibhasa Lalake.

***

Hindi na nag-inarte pa ni Carla Abellana sa mga sexy  scene na kanyang ginawa sa “My Neighbor’s Wife” na sigurado raw na masi-shock ang mga tagahanga sa maiinit niyang eksena sa nasabing pelikula, partikular sa romansahan nila ni Dennis Trillo.

Sabi ni Carla, hindi niya matantiya ang saloobin ni Dennis. Tahimik daw kasi ang actor kaya hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito.

“I guess, nagustuhan ko kay Dennis yung pagiging mysterious niya. Maganda naman kay Jake (Cuenca kasama rin sa movie) yung pagiging outspoken niya. Spontaneous.”

So, bumigay siya kay Dennis kaysa sa mga love scene nila ni Jake Cuenca?

“We did lang naman kung ano ang hinihingi ng istorya. Actually, noong inalok sa akin ang role ay nagulat ako! Sa isip ko, hindi ko kaya ang mga maiinit na eksena. I talked to Geoff (Eiegenmann) at siya na rin mismo ang nagsabi sa akin na tanggapin ang role. Hindi naman ako nagsisisi dahil maganda ang kinalabasan,” paliwanag ni Carla.

Kung gaano kagrabe ang mga daring scene ginawa niya sa movie? Isang matunog na masi-shock daw ang mga makakapanood.

Samantala, inamin naman ni Jake Cuenca na mas hot ang love scene nila ni Lovi Poe sa My Neighbor’s Wife kaysa kay Carla na wife niya sa movie.

Katulad din ng dahilan ni Carla ang ibinigay na rason ni Jake na sinunod lang nila ni Lovi ang hinihingi ng istorya.

Ang role kasi ni Jake ay husband na nakakawala sa asawa ng 10 years at nakatagpo ng babaing palaban din kaya ang naging resulta ng kanilang romansahan ay super hot na hot.

Pero itinanggi ni Jake na may “namamagitan” na sa kanila ni Lovi kaya natural na natural na lumabas ang maiinit nilang eksena sa nasabing movie.

***

Makiki-party si Rey Valera sa Comedy Bar ngayong Sabado pagkatapos ng Imbestigador sa GMA 7, hosted by Allan K at Eugene Domingo pero may nangyaring hindi namin ibubuko habang kinakanta nito ang isa sa kanyang mga hit song. Kaabang-abang din sa programa ang pagbibigay ng weather forcast ni Fabio Ide na siguradong ikaloloka ng mga makakapanood at para naman sa mga fans ng cast ng Tween Academy Class 2012 na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Derrick Monasterio, Alden Richards, Louise delos Reyes at Elmo Magalona, mapapasabak naman sila sa SSS segment ng programa kasama sina Pauleen Luna at Kerby.

Tsika na nagkaroon daw ng aksidente habang nagkikipagsiksikan ang mga bagets stars sa naturang segment ng Comedy Bar na kung saan matira ang matibay na mananatili at hindi mahuhulog.

Of course nandiyan ang Beergins na may die hard fans na rin na laging inaabangan ang portion nila sa show na biglang magtatanggal ng kanilang kasuotan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply