Ano ang kahulugan ng kortesiya?

NAGING isyu ang pagsalo na naman daw ni Congressman Iggy Arroyo sa kanyang nakatatandang kapatid na si dating First Gentleman, Atty. Mike Arroyo, nang sabihin ng una na siya talaga ang umupa sa mga helicopter na nasa Philippine National Police na pinagdududahan naman na pag-aari ni Mike Arroyo.

Gusto sana ng Senado na imbitahan si Iggy Arroyo para mabigyang linaw ang katotohanan kung kanino talaga ang helicopters.

Umabot na ang mainit na usapan sa kung mapipilit daw ba ni Senate President Juan Ponce Enrile si House Speaker Sonny Belmonte na hikayatin ang miyembro ng House of Representative na si Congressman Iggy Arroyo na pumunta sa Senado.

Dito pumasok ang isyu ng tinatawag na “parliamentary courtesy” na ang ibig sabihin ay hindi mapipilit ng Senado ang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na humarap sa imbestigasyon ng mga Senador.

Gayundin naman sa kabaligtaran.

Hindi mapipilit ng House of Representatives na humarap ang isang Senador sa imbestigasyon ng Kamara.

Ito ay isang tradisyon at pagpapakita ng respeto sa pagiging independiyente ng dalawang House ng Senate at House of Representatives. Ang tanong ngayon – paano na maipaliliwanag ni Cong. Iggy ang kanyang nalalaman tungkol sa helicopters?

Ang sagot – hindi naman kasi kailangan pang humarap ni Cong. Iggy sa Senado.

Pwede naman kasing  makabuo ng report ang Senado tungkol sa kaso ng mga helicopter na hindi na kailangan pang pilitin ang isang mambabatas na sumalang sa imbestigasyon.

Nakalilimutan kasi minsan na hindi korte and Senado at ang trabaho ng Senador ay hindi para mang-usig kundi para mag-recommend lang ng impormasyon sa korte tungkol sa isang kaso kung saan sangkot ang mga opisyal ng gobyerno at para magamit na rin ang nasabing rekomendasyon sa pagbalangkas ng batas.

Kung may sapat na ebidensya ang gobyerno laban kay Atty. Mike tungkol sa mga helicopter ay kasuhan na lang ito sa tamang korte.

Hindi na kailangan pang pilitin ang Congressman na pumunta sa Senate hearing.

Pwedeng pahalagahan ang “parliamentary courtesy” nang hindi nalalagay sa alanganin ang pakay nating lahat na malaman ang katotohanan sa isang kaso.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply