Anomalya sa DOTC kakalkalin ng Kamara

SISIYASATIN ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang sinasabing maanomalyang pagbili sa kagamitan ng Philippine Coast Guard.

Ayon sa ulat na nakalap ni Bayan Muna Partylist Rep. Teddy Casiño bumili ang PCG ng marine environmental equipment na nagkakahalaga ng P1.15 bilyon.

Banggit ni Casiño sa House Resolution 1640 na noong 2007 ay inaprubahan ng Department of Transportation and Communications (DOTC)ang pondong P1.15 bilyon para sa pagbili ng “Marine Environmental Protection Equipment (MEPE);” at “Aids To Navigation (ATON)” spare parts para sa lahat ng parola sa buong bansa na pawang may anim na Special Allotment Release Orders (SARO) sa ilalim ng “National Oil Spill Contingency and Repair/Rehabilitation of Various Lighthouses Nationwide.”

Ang nasabing MEPE ay nabili ng DOTC na noon ay pinamumunuan ni dating Secretary Leandro R. Mendoza sa pamamagitan ng purchase order (DOTC-2009-12-188) noong December 23, 2009 na nagkakahalaga ng P319 milyon na ina-ward R.H. Lopez Trading at Berlyn Enterprises.

Ngunit batay sa Audit Observation Memorandum sa DOTC noong May 23, 2011 ay nabusisi ng Commission on Audit ang mga iregularidad.

Sa pagdinig ng DOTC 2012 budget ng House Committee on Appropriations ay hindi sinagot ni Secretary Mar Roxas ang nasabing alegasyon sa halip ay ipinasa sa kanyang undersecretary na nagsabing walang iregularidad sa nabanggit na bilihan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply