Anti-no permit, no exam lusot na sa Kamara

ISANG magandang balita sa mga estudyante at kanilang magulang ang pagpasa sa Kamara de Representantes ang panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam policy” sa pinal at ikatlong pagbasa nito ngayon, Huwebes.

Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Raymond “Mong” Palatino, ang unanimous na boto sa pagpasa sa pinagsamang anti-no permit, no exam ay nasa kamay na  ng Senado para maging ganap na batas ito at malagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III.

“The giant leap in our anti-‘no permit, no exam’ campaign was achieved primarily due to the unity of students and parents and the quick action of Congress to boost the passage of the bill into law. This is good news and it sends a message to schools to desist implementing the ‘no permit, no exam’ policy,” ani Palatino

Sinabi ni Palatino na kadalasang nagiging bagsak ang mga estudyanteng may mga bayarin pa sa kanilang eskwelahan dahil hindi pinayagang mag-exam at kung minsan ay nagiging dahilan din ito ng kahihiyan ng isang estudyante.

Nakasaad sa ipinasang panukala, walang estudyante ang hindi papayagang makapag-exam kung mayroon itong hindi nabayarang fees.

Sinabi ng mambabatas na habang hindi pa ganap na batas ang nasabing panukala ay maaring ikatwiran ng mga magulang at estudyane ang Section 99 Article 20 ng Manual of Private School na hindi pinapayagan ang no permit, no exam policy.

Sa kabila aniya ng pagkakaroon ng guidelines ay marami pa ring mga pribadong eskwelahan ang nagpapatupad ng no-permit, no exam policy kaya dapat lamang ang agarang implementasyon ng nasabing panukala.

Sa sandaling maging ganap ng batas ang anti-no permit, no exam, ang sinumang lalabag dito ay pagmumultahin ng P50,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply